Pag-iwas at Bakuna
Paano ako mahahawahan ng hepatitis B?
Ang hepatitis B ay isang nakakahawang sakit na sanhi ng isang virus na kumakalat sa pamamagitan ng dugo. Nakalista sa ibaba ang pinakakaraniwang mga paraan kung paano naipapasa ang hepatitis B sa iba:
- Direktang pagkalapat sa nahawahang dugo o nahawahang mga likido ng katawan
- Mula sa isang impektadong ina sa kanyang bagong silang na sanggol sa panahon ng pagbubuntis o pagkapanganak
- Hindi protektadong pakikipagtalik sa isang impektadong katalik
- Pinagbahaginan o muling paggamit na mga karayom (halimbawa, pinagbaha-bahaginan ang mga karayom para sa ilegal na droga o muling paggamit ng mga karayom na hindi isterilisado nang mabuti, acupuncture, mga tatu, o pagbutas sa tainga o katawan
- Mga hindi isterilisadong medikal na kagamitan o karayom na maaaring ginamit ng mga doktor, dentista o barbero sa tabing kalsada.
Napapasa ba ang hepatitis B nang hindi sinasadya?
Hindi, ang hepatitis B ay hindi naipapasa sa pamamagitan ng simpleng pagkakadikit. Hindi mo makukuha ang hepatitis B mula sa hangin, pagyakap, paghawak, pagsinga, pag-ubo, mga upuan sa kubeta, o busol. Hindi mo makukuha ang hepatitis B mula sa pagkain o pag-inom kasama ng isang taong nahawahan o mula sa pagkain ng pagkaing inihanda ng isang taong may hepatitis B.
Sino ang malamang na mahawa ng hepatitis B?
Bagama’t lahat ay nasa ilang panganib na magkaroon ng hepatitis B, mayroong ilang mga tao na mas malamang mahawa. Ang iyong trabaho, pamumuhay, o sa pamamagitan ng maipanganak lamang sa pamilyang may hepatits B maaaring tumaas ang iyong pagkakaton na mahawa. Narito ang ilang mga pinakakaraniwang “mataas na panganib” na mga grupo -- ngunit mangyaring tandaan na ang listahang ito ay hindi kumpleto:
- Mga taong kasal sa isang may may hepatitis B o namumuhay nang may malapitang kontak sa isang kasambahay na may hepatitis B. Kasama rito ang mga nasa hustong gulang at mga bata.
- Mga taong ipinanganak sa mga bansa kung saan karaniwan ang hepatitis B, o may mga magulang na ipinanganak sa mga bansa kung saan karaniwan ang hepatitis B (Asya, mga bahagi ng Aprika at Timog Amerika, Silangang Europa, at Gitnang Silangan).
- Mga taong nakatira sa o bumibyahe sa mga bansa kung saan napakakaraniwan ang hepatitis B (Asya, mga bahagi ng Aprika at Timog Amerika, Silangang Europa, at Gitnang Silangan).
- Mga nasa hustong gulang at teenager na aktibo sa pakikipagtalik
- Mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki
- Mga sanggol na ipinanganak ng mga impketadong ina
- Mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan at iba pang mga nalalantad sa dugo sa kanilang mga trabaho.
- Mga nagtatrabaho sa emergency
- Mga pasyenteng sumasailalim sa dayalisis sa kidney
- Mga residente at kawani ng mga grupong pang-tahanan, mga institusyon, o mga pang-koreksyonal na pasilidad.
- Mga sinalinan ng dugo bago ang 1992, o mga mas maaga pang nasalinan ng dugong hindi nasuri nang mabuti
- Mga gumagamit ng droga sa pamamagitan ng iniksyon, sa nakaraan at kasalukuyan
- Mga taong nagpapatatu o nagpapabutas sa katawan
- Mga taong pumupunta sa mga doktor, dentista o barbero sa tabing kalsada
Ano ang mga rekomendasyon para sa bakuna sa hepatitis B?
Ang bakuna sa hepatitis B ay inirerekomenda para sa lahat ng mga sanggol at bata hanggang edad 18 taon ng World Health Organization (WHO) at ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ng U.S. Inirerekomenda rin ng CDC na magpabakuna ang mga nasa wastong gulang na nasa mga grupong may mataas na panganib.
Ang bakuna sa hepatitis B ay ligtas at epektibong bakuna na inirerekomenda para sa lahat ng mga sanggol pagkapanganak at para sa mga bata hanggang 18 taong gulang. Inirerekomenda rin ang bakuna sa hepatitis B para sa mga nasa hustong gulang na may diyabetis at mga may mataas na panganib sa impeksyon dulot ng kanilang mga trabaho, pamumuhay, kalagayan sa paninirahan, o bansa kung saan ipinanganak. Dahil lahat ay nasa ilang panganib, lahat ng mga nasa hustong gulang ay dapat seryosong isaalang-alang ang pagkuha ng bakuna sa hepatitis B para sa pang-habang buhay na proteksyon laban sa isang maiiwasang talamak na sakit sa atay.
Ligtas ba ang bakuna sa hepatitis B?
Oo, ang bakuna sa hepatitis B ay napakaligtas at epektibo. Sa katotohanan, ito ang unang “bakuna laban sa kanser” dahil maaari nitong protektahan ka mula sa hepatitis B, na sanhi ng 80% ng lahat ng kanser sa atay sa mundo.
Nang may higit sa isang bilyong dosis na naibigay sa buong mundo, ipinapakita ng mga medikal at siyentipikong mga pag-aaral na ang bakuna sa hepatitis B ay isa sa mga pinakaligtas na mga bakuna na nagawa na.
Makukuha ko ba ang hepatitis B mula sa bakuna?
Hindi, ang hepatitis B ay hindi nakukuha mula sa bakuna. Ang bakuna ay ginawa mula sa isang produkto ng sintetikong yeast sa laboratoryo. Ang pinakakaraniwang mga pangalawang epekto ay pamumula at pananakit sa braso kung saan itinurok ang bakuna.
Ano ang iskedyul ng bakuna sa hepatitis B?
Ang bakuna sa hepatitis B ay makukuha sa tanggapan ng iyong doktor at lokal na kagawaran ng kalusugan o klinika. Tatlong dosis ang pangkaraniwang kinakailangan upang makumpleto ang serye ng bakuna sa hepatitis B, bagama’t mayroong pinabilis na serye ng dalawang dosis para sa mga kabataang edad 11 hanggang 15 taon, at mayroong bagong dalawang-dosis na bakuna na aprubado ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) para gamitin sa mga nasa wastong gulang nang 2017. Mahalagang tandaan na ang mga sanggol na ipinanganak ng mga impektadong ina ay dapat na tumanggap ng unang dosis ng bakuna sa hepatitis B sa silid ng panganganak o sa loob ng unang 12 oras ng buhay.
- Unang Dosis – Sa anumang oras, ngunit ang mga bagong silang ay dapat na tumanggap ng dosis na ito sa silid ng panganganak
- Pangalawang Dosis – Hindi bababa sa isang buwan (o 28 araw) pagkatapos ng unang dosis
- Ikatlong Dosis – Anim na buwan pagkatapos ng unang dosis (o hindi bababa sa 2 buwan pagkatapos ng pangalawang dosis)
Hindi dapat bababa sa 16 na buwan sa pagitan ng una at pangatlong dosis. Kung ang iyong iskedyul ng bakuna ay naantala, hindi mo kailangang simulan muli ang serye, maaari mong ituloy mula sa kung saan ka tumigil – kahit na may ilang taon nang pagitan sa mga dosis.
Upang matiyak na ikaw ay protektado laban sa hepatitis B, humingi ng simpleng pagsusuri sa dugo upang matingnan ang iyong mga “hepatitis B antibody titer” (HBsAb) na magkukumpirma kung ang pagbabakuna ay matagumpay.
Ano ang maaari kong gawin upang protektahan ang aking sarili mula sa hepatitis B?
Dahil ang hepatitis B ay kumakalat sa pamamagitan ng nahawahang dugo at nahawahang likido ng katawan, mayroong ilang simpleng bagay na iyong magagawa upang protektahan ang iyong sarili mula sa posibleng impeksyon hanggang ang iyong pagbabakuna ay makumpleto:
- Iwasang humawak ng dugo o anumang mga likido ng katawan nang direkta
- Gumamit ng mga condom sa mga katalik
- Iwasan ang mga ilegal na droga at maling paggamit ng iniresetang gamot, kasama ang iniksyon ng nasabing mga droga
- Iwasan ang paghiram at pagpapahiram ng matutulis na mga gamit katulad ng mga pang-ahit, sipilyo, hikaw, at mga pamputol ng kuko
- Siguraduhing gumamit ng isterilisadong mga karayom at kagamitan para sa gamot, dentista, acupuncture, tatu, pagbutas sa tainga at katawan
- Magsuot ng guwantes at gumamit ng sariwang solusyon ng bleach at tubig upang linisin ang mga natapong dugo
- Masinsinang hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig pagkatapos hawakan o linisin ang dugo
- Pinakamahalaga, siguruhin na tumanggap ka ng bakuna sa hepatitis B!
Prevention and Vaccination
How can I get hepatitis B?
Hepatitis B is an infectious disease caused by a virus that is spread through blood. Listed below are the most common ways hepatitis B is passed to others:
- Direct contact with infected blood or infected bodily fluids
- From an infected mother to her newborn baby during pregnancy or delivery
- Unprotected sex with an infected partner
- Shared or re-used needles (for example, sharing needles for illegal drugs or re-using needles that are not properly sterilized for medicine, acupuncture, tattoos, or ear/body piercing)
- Unsterilized medical equipment or needles that may be used by roadside doctors, dentists or barbers
Is hepatitis B transmitted casually?
No, hepatitis B is not spread through casual contact. You cannot get hepatitis B from the air, hugging, touching, sneezing, coughing, toilet seats or doorknobs. You cannot get hepatitis B from eating or drinking with someone who is infected or from eating food prepared by someone who has hepatitis B.
Who is most likely to become infected with hepatitis B?
Although everyone is at some risk for getting hepatitis B, there are some people who are more likely to get infected. Your job, lifestyle, or just being born into a family with hepatitis B can increase your chances of being infected. Here are some of the most common "high risk" groups -- but please remember that this is not a complete list:
- People who are married to or live in close household contact with someone who has hepatitis B. This includes adults and children.
- People who were born countries where hepatitis B is common, or whose parents were born in countries where hepatitis B is common (Asia, parts of Africa and South America, Eastern Europe, and the Middle East).
- People who live in or travel to countries where hepatitis B is very common (Asia, parts of Africa and South America, Eastern Europe, and the Middle East).
- Sexually active adults and teenagers
- Men who have sex with men
- Infants born to infected mothers
- Healthcare workers and others who are exposed to blood in their jobs.
- Emergency personnel
- Patients who are on kidney dialysis
- Residents and staff of group homes, institutions, or correctional facilities.
- Recipients of blood transfusions before 1992, or more recent recipients of improperly screened blood
- Injection drug users, past and present
- People who get tattoos or body piercing
- People who use roadside doctors, dentists or barbers
What are the recommendations for the hepatitis B vaccine?
The hepatitis B vaccine is recommended for all infants and children up to age 18 years by the World Health Organization (WHO) and the U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC). The CDC also recommends that adults in high-risk groups be vaccinated.
The hepatitis B vaccine is a safe and effective vaccine that is recommended for all infants at birth and for children up to 18 years. The hepatitis B vaccine is also recommended for adults living with diabetes and those at high risk for infection due to their jobs, lifestyle, living situations, or country of birth. Since everyone is at some risk, all adults should seriously consider getting the hepatitis B vaccine for a lifetime protection against a preventable chronic liver disease.
Is the hepatitis B vaccine safe?
Yes, the hepatitis B vaccine is very safe and effective. In fact, it is the first “anti-cancer vaccine” because it can protect you from hepatitis B, which is the cause of 80% of all liver cancer in the world.
With more than one billion doses given throughout the world, medical and scientific studies have shown the hepatitis B vaccine to be one of the safest vaccines ever made.
What is the hepatitis B vaccine schedule?
The hepatitis B vaccine is available at your doctor's office and local health department or clinic. Three doses are generally required to complete the hepatitis B vaccine series, although there is an accelerated two-dose series for adolescents age 11 through 15 years, and there is a new 2-dose vaccine that was approved by the U.S. Food and Drug Administration (FDA) for use in adults in 2017. It is important to remember that babies born to infected mothers must receive the first dose of hepatitis B vaccine in the delivery room or within the first 12 hours of life.
1st Shot - At any given time, but newborns should receive this dose in the delivery room
2nd Shot - At least one month (or 28 days) after the 1st shot
3rd Shot - Six months after the 1st shot (or at least 2 months after the 2nd shot)
There must be at least 16 weeks between the 1st and 3rd shot. If your vaccine schedule has been delayed, you do not need to start the series over, you can continue from where you have left off – even if there have been years between doses.
To be certain that you are protected against hepatitis B, ask for a simple blood test to check your “hepatitis B antibody titers” (HBsAb) which will confirm whether the vaccination was successful.
What else can I do to protect myself from hepatitis B?
Since hepatitis B is spread through infected blood and infected body fluids, there are several simple things that you can do to protect yourself from possible infection until your vaccination is complete:
- Avoid touching blood or any bodily fluids directly
- Use condoms with sexual partners
- Avoid illegal drugs and prescription drug misuse, including injection of such drugs
- Avoid sharing sharp objects such as razors, toothbrushes, earrings, and nail clippers
- Make sure that sterile needles and equipment are used for medicine, the dentist, acupuncture, tattoos, ear and body piercing
- Wear gloves and use a fresh solution of bleach and water to clean up blood spills
- Wash your hands thoroughly with soap and water after touching or cleaning up blood
- Most importantly, make sure you receive the hepatitis B vaccine!