Hepatitis B Foundation President Dr. Chari Cohen is quoted in a powerful new story about hepatitis B in The New Yorker. You can read it here.

Pangkalahatang Impormasyon 

Ano ang hepatitis B?
Ang hepatitis B ang pinakakaraniwang impeksyon sa atay sa mundo. Sanhi ito ng hepatitis B virus (HBV), na umaatake at pumipinsala ng atay. Naipapasa ito sa pamamagitan ng dugo, hindi protektadong pakikipagtalik, pinagbaha-bahaginang paggamit ng o muling ginamit na mga karayom, at mula sa isang impektadong ina sa kanyang bagong silang na sanggol sa panahon ng kanyang pagbubuntis o panganganak. Karamihan sa mga nahawahang nasa hustong gulang ay nalabanan ang hepatitis B virus nang walang anumang mga problema. Gayunpaman, ang ilang mga nasa hustong gulang at karamihan sa mga nahawahang mga sanggol at bata ay hindi kayang labanan ang virus at magkakaroon ng talamak (panghabang buhay) na impeksyon.

Ang magandang balita ay mayroong ligtas na bakuna upang maiwasan ang hepatitis B na impeksyon at mga bagong panggamot para sa mga may hepatitis B.


Gaano karaming tao ang apektado ng hepatitis B?
Sa buong mundo, 2 bilyong tao (1 sa 3 tao) ang may hepatitis B; at 257 milyong tao ang may talamak na impeksyon (ibig sabihin ay hindi na nila malalabanan ang virus). Tinatayang 700,000 katao ang namamatay bawat taon mula sa hepatitis B at sa mga komplikasyon nito.


Bakit mas karaniwan ang hepatitis B sa ilang bahagi ng mundo?
Maaaring mahawa ng hepatitis B ang sinumang tao sa anumang edad o etnisidad, ngunit ang mga tao mula sa mga bahagi ng mundo kung saan karaniwan ang hepatitis B, tulad ng Asya, mga bahagi ng Aprika at Timog Amerika, Silangang Europa, at Gitnang Silangan, ay may mas mataas na panganib na mahawaan. Karaniwan din ang hepatitis B sa mga Amerikanong ipinanganak (o ang mga magulang ay ipinanganak) sa mga rehiyong ito.

Ang hepatitis B ay mas karaniwan sa ilang mga rehiyon sa mundo dahil maraming mga tao ang may hepatitis B sa mga rehiyong ito. Bagama’t ang hepatitis B ay hindi isang “Sakit na Pang-Asya” o isang “Sakit na Pang-Aprika”, naaapektuhan nito ang daan-daang milyong tao mula sa mga rehiyong ito – kaya mas maraming tao ang maaaring naipapasa ang hepatitis B virus sa iba. Itinataas nito ang panganib na ikaw ay mahawa. Dahil mayroong mas maliit na bilang ng mga Taga-Kanluran na may hepatitis B, ang grupong ito ay may mas mababang panganib ng impeksyon.

Sa mga rehiyon kung saan karaniwan ang hepatitis B, madalas nahahawa ang mga tao na bagong silang – mula sa ina na hindi alam na naipasa ang virus sa kanyang sanggol pagkapanganak. Nasa panganib din ang mga bata kung sila ay nakatira kung saan may malapit na araw-araw na kontak sa isang impektadong miyembro ng pamilya. Ang mga sanggol at bata ay mas malamang na magkakaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon dahil ang kanilang batang immune system ay nahihirapang labanan ang virus.

Kung ikaw, o iyong pamilya, ay mula sa bahagi ng mapa na mas matingkad na asul, maaaring may mas mataas na panganib ka sa hepatitis B na impeksyon at dapat kausapin ang isang doktor tungkol sa pagpapasuri.

map 3 04 global 002


Bakit ako dapat mag-alala tungkol sa hepatitis B?
Ang talamak na hepatitis B ay maaaring humantong sa malubhang sakit sa atay tulad ng cirrhosis o kanser sa atay. Mahalaga na magpasuri dahil ang maagang pagsusuri ay maaaring humantong sa maagang paggamot na makakapagligtas ng iyong buhay Dagdag pa, maaaring maikalat ng mga taong nahawa ang virus sa iba. Dahil hindi alam ng karamihan sa mga tao na sila ay nahawa, hindi nila alam na naikakalat nila ito sa maraming ibang mga tao. Kung hindi magpasuri ang mga tao, maaaring maipasa ang hepatitis B sa maraming henerasyon sa isang pamilya at sa buong komunidad.

Isang pangkaraniwang akala ay ang hepatitis B ay “namamana” dahil maraming henerasyon sa isang pamilya ay maaaring nahawa. Ngunit ang hepatitis B ay HINDI isang genetikong sakit – ang hepatitis B ay sanhi ng isang virus, na madalas naipapasa sa mga miyembro ng pamilya dahil sa ina-sa-anak na pagpapasa o aksidenteng pagkakalantad ng sambahayan sa dugo. Maaaring matigil ng mga pamilya ang paulit-ulit na impeksyon ng hepatitis B sa pamamagitan ng pagpapasuri, pagpapabakuna at pagpapagamot.


Bakit mapanganib ang hepatitis B?
Mapanganib ang hepatitis B dahil ito ay isang “tahimik na impeksyon” na maaaring makahawa sa mga tao nang hindi nila alam. Karamihan sa mga taong nahawa ng hepatitis B ay hindi alam ang kanilang impeksyon at maaaring hindi alam na naipasa ang virus sa iba sa pamamagitan ng kanilang dugo at nahawahang mga likido ng katawan. Para sa mga may talamak na impeksyon, mayroong tumataas na panganib ng pagkakaroon ng panghihina ng atay, cirrhosis at/o kanser sa atay sa kalaunan. Maaaring tahimik at patuloy na inaatake ng virus ang atay sa maraming taon nang hindi natutuklasan.


Ano ang malubhang hepatitis B?
Ang malubhang hepatitis B na impeksyon ay maaaring magtagal nang hanggang anim na buwan (nang mayroon o walang mga sintomas) at ang nahawahang mga tao ay naipapasa ang virus sa iba sa panahong ito.

Maaaring kabilang sa mga sintomas ng malubhang impeksyon ang kawalan ng gana sa pagkain, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, mababang antas ng lagnat, at posibleng pananakit ng tiyan. Bagama’t karamihan sa mga tao ay hindi nakakaranas ng mga sintomas, maaaring makita ang mga ito 6-150 araw pagkatapos ng impeksyon, karaniwan ay 3 buwan. Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng mas malulubhang mga sintomas tulad ng pagduduwal, pagsusuka, jaundice (paninilaw ng mga mata at balat), o namamagang tiyan na maaaring maging dahilan upang sila ay magpapatingin sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.

Ang simpleng pagsusuri sa dugo ay maaaring magsabi sa tao kung mayroong hepatitis B sa kanilang dugo. Kung ikaw ay nasuri na may malubhang hepatitis B, kakailanganin ng doktor na ipasuri muli ang iyong dugo sa 6 buwan upang alamin kung ikaw ay gumagaling, o kung ikaw ay nagkaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon. Hangga’t makumpirma ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na ang iyong pagsusuri sa dugo ay nagpapakita na wala nang hepatitis B na virus sa iyong dugo, mahalagang protektahan ang iba mula sa posibleng impeksyon. Mahalaga rin na ipasuri para sa hepatitis B ang iyong (mga) sekswal na kapareha at mga miyembro ng pamilya (o ang mga nakatira kung saan may malapit na kontak sa sambahayan). Kung ikaw ay hindi nahawa – at hindi pa nakatanggap ng bakuna sa hepatitis B – dapat silang magsimula ng serye ng bakuna sa hepatitis B.

Ang mga taong may malubhang hepatitis B ay hindi nireresetahan ng ispesipikong panggamot sa hepatitis B – walang panggamot na makakapag-alis ng hepatitis B na impeksyon, at karamihan sa mga taong nahawa na mga nasa hustong gulang ay gagaling nang kusa. Minsan, ang taong may malulubhang mga sintomas ay maaaring ma-ospital para sa pangkalahatang suporta. Pahinga at pangangasiwa ng mga sintomas ang pangunahing mga layunin ng medikal na pangangalagang ito. Ang bihira at nagbabanta sa buhay na kondisyon na tinatawag na “fulminant hepatitis” ay maaaring mangyari sa bagong malubhang impeksyon at nangangailangan ng agarang medikal na atensyon dahil ang tao ay maaaring magkaroon ng biglaang panghihina ng atay.

Ang mga simpleng payo sa pangangalaga ng iyong atay sa panahon ng malubhang hepatitis B na impeksyon ay umiwas sa alak, tumigil o limitahan ang paninigarilyo, kumain ng masusustansyang pagkain, umiwas sa mga malalangis o matatabang pagkain, at kausapin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa anumang mga medikasyon na iyong iniinom (mga reseta, nabibiling medikasyon, mga bitamina o erbal na mga suplemento) upang masiguro na ligtas ang mga ito para sa iyong atay. Ito ang magandang panahon upang itanong ang anumang iba pang mga katanungan na maaaring mayroon ka. Ang paggamit ng mga bitamina at mga suplemento para sa kalusugan ng atay ay malamang na hindi makatutulong sa iyong paggaling at maaaring magsanhi ng dagdag na pinsala kaysa kabutihan sa atay.

Siguruhing mag-follow up sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan para sa anumang karagdagang mga pagsusuri sa dugo na kailangan upang kumpirmahin ang iyong paggaling mula sa malubhang impeksyon.

Ano ang talamak na hepatitis B?
Ang mga taong nasuri na positibo sa hepatitis B na virus nang higit anim na buwan (pagkatapos ng resulta ng kanilang unang pagsusuri ng dugo) ay tinutukoy bilang mayroong talamak na impeksyon. Ibig sabihin, ang kanilang immune system ay hindi nakayanang labanan ang hepatitis B virus at ito ay nananatili pa rin sa kanilang dugo at atay. Mayroong mga epektibong paraan sa paggamot at pangangasiwa ng talamak na impeksyon, ngunit wala itong lunas. Kung ikaw ay may talamak na impeksyon, ang virus ay malamang na mananatili sa iyong dugo habang buhay.

Ang mga taong may talamak na hepatitis B ay maaaring hindi alam na naipapasa ang virus sa iba. Ang talamak na hepatitis B ay maaaring humantong sa mga malulubhang sakit sa atay, tulad ng cirrhosis at kanser sa atay. Hindi lahat ng taong may talamak na impeksyon ay magkakaron ng malubhang sakit sa atay. Gayunpaman, mayroon silang mas malaking pagkakataon kaysa sa taong hindi nahawa.

Ang panganib ng pagkakaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon ay may kaugnayan sa edad kung kailan unang nahawa ng hepatitis B na virus.

  • 90% ng mga nahawahang mga bagong silang at mga sanggol ay magkakaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon.
  • Hanggang 50% ng nahawaang mga bata (1-5 taon) ay magkakaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon
  • 5-10% ng mga nahawaang nasa wastong gulang ay magkakaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon (iyon ay, 90% ay gagaling)

Ang malaman na ikaw ay may talamak na hepatitis B na impeksyon ay maaaring nakakabalisa. Dahil karamihan sa mga tao ay walang mga sintomas at maaaring masuri ilang dekada pagkatapos ng kanilang unang pagkakalantad sa hepatitis B na virus, maaaring nakakabigla at nakakagulat na masuring may talamak na hepatitis B na impeksyon. Ang magandang balita ay karamihan sa mga taong may talamak na hepatitis B ay inaasahang mabubuhay nang matagal at may malusog na buhay.

Maaaring maipasa ng impektadong buntis na mga babae ang virus sa kanilang mga bagong silang pagkapanganak. Samakatuwid, dahil ang panganib ng mga bagong silang na magkaroon ng talamak na impeksyon pagkapanganak ay napakataas, inirerekomenda ng parehong Organisasyon ng Kalusugan ng Mundo (World Health Organization, WHO) at ng Mga Sentro para sa Pamamahala at Pag-iwas ng Sakit (Centers for Disease Control and Prevention, CDC) na lahat ng mga sanggol ay tumanggap ng unang dosis ng bakuna sa hepatitis B sa loob ng 12-24 oras pagkapanganak. Kung ikaw ay buntis at alam mong ikaw ay impektado, kailangang tiyakin mo makukuha ng iyong anak ang unang dosis ng bakuna sa hepatitis B sa loob nang 12-24 oras pagkapanganak.

Bagama’t walang lunas para sa talamak na impeksyon ng hepatitis B, may mga epektibong terapiyang gamot na makakasupil ng hepatitis B na virus at pigilan ito mula sa pagpinsala ng atay. Mayroon ding maaasahang bagong mga gamot na nasa yugto ng pananaliksik na maaaring magbibigay ng lunas sa malapit na hinaharap. Bagama’t ang panganib ng pagkakaroon ng malubhang sakit sa atay o kanser sa atay ay mas mataas para sa mga may talamak na hepatitis B kaysa sa mga hindi impektado, mayroon pa ring maraming simpleng mga bagay na maaaring gawin ng isang tao upang tulungang mabawasan ang kanilang panganib.

Magtakda ng regular na mga pagbisita bawat anim na buwan (o hindi bababa sa bawat taon) sa isang espesyalista sa atay o isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na may sapat na kaalaman tungkol sa hepatitis B upang masubaybayan nila ang kalusugan ng iyong atay.

Kausapin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung ang paggagamot sa iyong talamak na hepatitis B na impeksyon ay makatutulong sa pagpigil sa malubhang sakit sa atay o kanser sa atay.

  • Siguruhin na sinusuri ka ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan para sa kanser sa atay sa panahon ng iyong regular na mga pagbisita dahil ang maagang pagtuklas ay katumbas ng mas maraming opsyon sa paggagamot at mas mahabang buhay.
  • Iwasan o limitahan ang alak at paninigarilyo dahil parehong nagsasanhi ito ng maraming stress sa iyong atay.
  • Kumain ng masustansyang pagkain na may maraming gulay dahil ang prito at malalangis na pagkain ay makakasama sa iyong atay.


Ano ang ibig sabihin na maging isang “talamak na tagapagdala”?
Kung ang isang tao ay may talamak na hepatitis B na impeksyon, maaaring ituring sila ng kanilang doktor bilang “talamak na tagapagdala.” Ang isang “talamak na tagapagdala” ay nangangahulugan na ikaw ay may talamak na hepatitis B na impeksyon na maaaring maipasa ang virus sa iba at ikaw ay dapat pangasiwaan ng isang doktor para sa iyong impeksyon.

Mayroon bang lunas para sa hepatitis B?
Karamihan sa mga nasa hustong gulang ay gumagaling nang kusa mula sa malubhang impeksyon nang hindi nangangailangan ng medikasyon. Para sa mga nasa hustong gulang, mga bata at sanggol na nagkaroon ng talamak na hepatitis B na impeksyon, kasalukuyang walang lunas. Ngunit ang magandang balita ay mayroong mga panggamot na makakatulong na pabagalin ang paglala ng sakit sa atay sa mga taong may talamak na impeksyon sa pamamagitan ng pagpapabagal sa virus. Kung mas kaunting hepatitis B na virus ang nagagawa, samakatuwid ay mas kaunti ang pinsala na ginagawa sa atay.

Sa lahat ng bagong magagandang pananaliksik, mayroong malaking pag-asa na matutuklasan ang lunas para sa talamak na hepatitis B sa malapit na hinaharap. Bumisita sa aming Drug Watch para sa listahan ng iba pang maaasahang mga gamot na binubuo.


Anong mga opsyon ang mayroon upang gamutin ang aking hepatitis B?
Para sa malubhang impeksyon, walang panggamot sa pangkalahatan maliban sa pahinga at mga sumusuportang hakbang upang pangasiwaan ang anumang mga sintomas.

Para sa talamak na hepatitis B, maraming mga panggamot na makukuha. Mahalagang maunawaan na hindi lahat ng may talamak na hepatitis B ang nangangailangan ng paggagamot. Ang iyong doktor ay makatutulong sa iyo na magpasya kung kailangan mo ng medikasyon o kung maaari mong hintayin at subaybayan ang iyong kondisyon.

Maraming mga medikasyon laban sa virus na nagpapabagal o pumipigil sa hepatitis B na virus mula sa pagdami, na nagpapababa ng pamamaga at pinsala sa atay. Ang mga panlaban sa virus na ito ay iniinom bilang pildoras isang beses bawat araw nang hindi bababa sa 1 taon, kadalasan ay mas mahaba pa. Mayroong 6 na mga panlaban sa virus na aprubado ng U.S. Food and Drug Administration (FDA), ngunit tatlo lamang na “unang-linya” na mga panlaban sa virus ang inirerekomenda: tenofovir disoproxil (Viread/TDF), tenofovir alafenamide (Vemlidy/TAF) at entecavir (Baraclude). Ang unang-linya na mga panlaban sa virus ay inirerekomenda dahil sila ay mas ligtas at mas epektibo. Para sa mga taong hindi tumugon sa, o walang access sa, unang-linya na mga panlaban sa virus na mga panggamot, may ibang mga opsyon: telbivudine (Tyzeka, Sebivo), adefovir dipivoxil (Hepsera), at lamivudine (Epivir-HBV, Zeffix, Heptodin).

Bagama’t aprubado ng FDA ang mga panlaban sa virus na ito para sa talamak na hepatitis B, hindi sila nagbibigay ng ganap na lunas. Gayunpaman, maaari nilang lubos na mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng pinsala sa atay at kanser sa atay. Ang mga panlaban sa virus ay hindi nilalayon na ihinto at simulan, kaya kailangan na ang masinsinang pagsusuri ng isang doktor na may sapat na kaalaman ay mahalaga bago simulan ang paggagamot para sa talamak na hepatitis B.

Mayroon ding mga gamot na immunomodulator na nagpapalakas ng immune system upang tulungang supilin ang hepatitis B na virus. Ang mga ito ay ibinibigay bilang mga iniksyon sa loob ng 6 na buwan hanggang 1 taon. Kabilang sa mga pinakakaraniwang inirereseta ang interferon alfa-2b (Intron A) at pegylated interferon (Pegasys).

Kailangang talakayin mo at ng iyong doktor ang mga opsyon sa paggagamot bago magpasya kung alin, kung mayroon man, ang pinakamainam para sa iyo. Para sa karamihan, babawasan o pipigilan ng mga medikasyong ito ang hepatiits B na virus. Nagreresulta ito sa mga pasyenteng bumubuti ang pakiramdam sa loob ng ilang buwan dahil ang pinsala sa atay mula sa virus ay napabagal, o nabaliktad pa sa ilang mga kaso, kapag iniinom nang pangmatagalan.

Para sa kumpletong listahan ng mga aprubadong gamot ng FDA at ibang maaasahan mga gamot na binubuo para sa hepatitis B, bumisita sa aming Drug Watch.

General Information

What is hepatitis B?
Hepatitis B is the world's most common liver infection. It is caused by the hepatitis B virus (HBV), which attacks and injures the liver. It is transmitted through blood, unprotected sex, shared or re-used needles, and from an infected mother to her newborn baby during pregnancy or delivery. Most infected adults are able to get rid of the hepatitis B virus without any problems. However, some adults and most infected babies and children are unable to get rid of the virus and will develop chronic (life-long) infection.

The good news is that there is a safe vaccine to prevent a hepatitis B infection and new treatments for those already infected with hepatitis B.


How many people are affected by hepatitis B?
Worldwide, 2 billion people (1 out of 3 people) have been infected with hepatitis B; and 257 million people are chronically infected (which means they are unable to get rid of the virus). An estimated 700,000 people die each year from hepatitis B and its complications.


Why is hepatitis B more common in some parts of the world?
Hepatitis B can infect any person of any age or ethnicity, but people from parts of the world where hepatitis B is common, such as Asia, parts of Africa and South America, Eastern Europe, and the Middle East, are at much higher risk for getting infected. Hepatitis B is also common among Americans who were born (or whose parents were born) in these regions.

Hepatitis B is more common in certain regions of the world because there are so many more people already infected with hepatitis B in these regions. Although hepatitis B is not an "Asian disease" or an “African disease,” it affects hundreds of millions of people from these regions – so there are more people who can pass the hepatitis B virus on to others. This increases the risk that you could get infected. Since there is a smaller number of Westerners who are infected, this group has a lower risk of infection.

In regions where hepatitis B is common, people are usually infected as newborns - from a mother who unknowingly passes the virus to her baby during delivery. Young children are also at risk if they live in close daily contact with an infected family member. Babies and children are more likely to develop a chronic hepatitis B infection because their young immune systems have trouble getting rid of the virus.

If you, or your family, is from an area of the map that is darker blue, you might be at greater risk for hepatitis B infection and should talk to a doctor about getting tested.

map 3 04 global 002


Why should I be concerned about hepatitis B?
Chronic hepatitis B can lead to serious liver disease such as cirrhosis or liver cancer. It's important to get tested because early diagnosis can lead to early treatment which can save your life. Also, people who are infected can spread the virus to others. Since most people don't know they are infected, they are unknowingly spreading it to many other people. If people are not tested, hepatitis B can pass through several generations in one family and throughout the community.

One common myth is that hepatitis B can be "inherited" since several generations in one family may be infected. But hepatitis B is NOT a genetic disease -- hepatitis B is caused by a virus, which is often transmitted among family members due to mother-to-child transmission or accidental household exposure to blood. Families can break the cycle of hepatitis B infection by getting tested, vaccinated and treated.


Why is hepatitis B so dangerous?
Hepatitis B is dangerous because it is a “silent infection” that can infect people without them knowing it. Most people who are infected with hepatitis B are unaware of their infection and can unknowingly pass the virus to others through their blood and infected bodily fluids. For those who become chronically infected, there is an increased risk of developing liver failure, cirrhosis and/or liver cancer later in life. The virus can quietly and continuously attack the liver over many years without being detected.


What is acute hepatitis B?
An acute hepatitis B infection may last up to six months (with or without symptoms) and infected persons are able to pass the virus to others during this time.

Symptoms of an acute infection may include loss of appetite, joint and muscle pain, low-grade fever, and possible stomach pain. Although most people do not experience symptoms, they can appear 60-150 days after infection, with the average being 3 months. Some people may experience more severe symptoms such as nausea, vomiting, jaundice (yellowing of the eyes and skin), or a bloated stomach that may cause them to see a health care provider.

A simple blood test can tell a person if the hepatitis B virus is in their blood. If you have been diagnosed with acute hepatitis B, the doctor will need to test your blood again in 6 months to figure out if you have recovered, or if you have developed a chronic hepatitis B infection. Until your health care provider confirms that your blood test shows that there is no more hepatitis B virus in your blood, it is important to protect others from a possible infection. It is also important to have your sexual partner(s) and family members (or those you live in close household contact with) tested for hepatitis B. If they have not been infected – and have not received the hepatitis B vaccine – then they should start the hepatitis B vaccine series.

People who have acute hepatitis B are not prescribed specific hepatitis B treatment – there is no treatment that will get rid of an acute hepatitis B infection, and most people infected as adults recover on their own. Sometimes, a person with severe symptoms may be hospitalized for general support. Rest and managing symptoms are the primary goals of this medical care. A rare, life-threatening condition called “fulminant hepatitis” can occur with a new acute infection and requires immediate, urgent medical attention since a person can go into sudden liver failure.

Simple tips for taking care of your liver during an acute hepatitis B infection are to avoid alcohol, stop or limit smoking, eat healthy foods, avoid greasy or fatty foods, and talk to your health care provider about any medications you are taking (prescriptions, over-the-counter medications, vitamins or herbal supplements) to make sure they are safe for your liver. This is a good time to ask any other questions you may have. The use of vitamins and liver health supplements will likely not assist your recovery and may actually cause more harm than good to the liver.

Be sure to follow-up with your health care provider for any additional blood tests that are needed to confirm your recovery from an acute infection.

What is chronic hepatitis B?
People who test positive for the hepatitis B virus for more than six months (after their first blood test result) are diagnosed as having a chronic infection. This means their immune system was not able to get rid of the hepatitis B virus and it still remains in their blood and liver. There are effective ways to treat and manage a chronic infection, but there is no cure. If you are chronically infected, the virus will likely remain in your blood for the rest of your life.

People who have chronic hepatitis B can unknowingly pass the virus on to others. Chronic hepatitis B can also lead to serious liver diseases, such as cirrhosis or liver cancer. Not every person who is chronically infected will develop serious liver disease. However, they have a greater chance than someone who is not infected.

The risk of developing a chronic hepatitis B infection is related to the age at which one first becomes infected with the hepatitis B virus:

  • 90% of infected newborns and babies will develop a chronic hepatitis B infection
  • Up to 50% of infected children (1-5 years) will develop a chronic hepatitis B infection
  • 5-10% of infected adults will develop a chronic hepatitis B infection (that is, 90% will recover)

Learning that you have a chronic hepatitis B infection can be very upsetting. Because most people do not have symptoms and can be diagnosed decades after their initial exposure to the hepatitis B virus, it can be a shock and a surprise to be diagnosed with a chronic hepatitis B infection. The good news is that most people with chronic hepatitis B should expect to live a long and healthy life.

Infected pregnant women can pass the virus to their newborns during childbirth. Therefore, since the risk of newborns becoming chronically infected at birth is high, both the World Health Organization (WHO) and the U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) recommend that all infants receive the first dose of the hepatitis B vaccine within 12-24 hours after birth. If you are pregnant and you know that you are infected, you can make sure that your baby gets the first dose of the hepatitis B vaccine within 12-24 hours after delivery!

While there is no cure for chronic hepatitis B infection, there are effective drug therapies that can control the hepatitis B virus and stop it from damaging the liver. There are also promising new drugs in the research phase that could provide a cure in the very near future. Although the risk of developing a serious liver disease or liver cancer is higher for those living with chronic hepatitis B than those who are not infected, there are still many simple things a person can do to help reduce their risk.

  • Schedule regular visits every six months (or at least every year) with a liver specialist or a health care provider who is knowledgeable about hepatitis B so they can monitor the health of your liver.
  • Talk to your health care provider about whether treatment for your chronic hepatitis B infection would be helpful in preventing serious liver disease or liver cancer.
  • Make sure that your health care provider screens you for liver cancer during your regular visits since early detection equals more treatment options and a longer life.
  • Avoid or limit alcohol and smoking since both cause a lot of stress to your liver.
  • Eat a healthy diet with lots of vegetables since fried, greasy foods are hard on your liver.


What does it mean to be a “chronic carrier”?
When someone has a chronic hepatitis B infection, their doctor may refer to them as being a “chronic carrier.” Being a “chronic carrier” means that you have a chronic hepatitis B infection, can pass the virus on to others, and you should be managed by a doctor for your infection.

Is there a cure for hepatitis B?
Most adults will recover from an acute infection on their own without the need for medication. For adults, children and infants who develop a chronic hepatitis B infection, there is currently no cure. But the good news is there are treatments that can help slow the progression of liver disease in chronically infected persons by slowing down the virus. If there is less hepatitis B virus being produced, then there is less damage being done to the liver.

With all of the new exciting research, there is great hope that a cure will be found for chronic hepatitis B in the near future. Visit our Drug Watch for a list of other promising drugs in development.


What options are there to treat my hepatitis B?
For an acute infection, there is generally no treatment other than rest and supportive measures to manage any symptoms.

For chronic hepatitis B, there are several treatments available. It is important to understand that not everyone with chronic hepatitis B needs treatment. Your doctor will help you decide if you need medication or if you can wait and monitor your condition.

There are several antiviral medications that slow down or stop the hepatitis B virus from replicating, which reduces the inflammation and damage to the liver. These antivirals are taken as a pill once a day for at least 1 year, usually longer. There are 6 U.S. FDA approved antivirals, but only three “first-line” antivirals are recommended: tenofovir disoproxil (Viread/TDF), tenofovir alafenamide (Vemlidy/TAF) and entecavir (Baraclude). First-line antivirals are recommended because they are safer and most effective. For people who do not respond to, or have access to, the first-line antiviral treatments, other options are available: telbivudine (Tyzeka, Sebivo), adefovir dipivoxil (Hepsera), and lamivudine (Epivir-HBV, Zeffix, Heptodin).

Although the FDA has approved these antivirals for chronic hepatitis B, they do not provide a complete cure. They can, however, greatly decrease the risk of developing liver damage and liver cancer. Antivirals are not meant to be stopped and started, which is why a thorough evaluation by a knowledgeable doctor is so important before beginning treatment for chronic hepatitis B.

There are also immunomodulator drugs that boost the immune system to help control the hepatitis B virus. They are given as injections over 6 months to 1 year. The most commonly prescribed include interferon alfa-2b (Intron A) and pegylated interferon (Pegasys).

You and your doctor will need to discuss the treatment options before deciding which one, if any, is best for you. For many people, these medications will decrease or stop the hepatitis B virus. This results in patients feeling better within a few months because liver damage from the virus is slowed down, or even reversed in some cases, when taken long-term.

For a complete list of FDA approved drugs and other promising drugs in development for hepatitis B, visit our Drug Watch.