Mga Pagsusuri sa Dugo para sa Hepatitis B 

Mayroon bang pagsusuri sa dugo para sa hepatitis B?
Mayroong simpleng pagsusuri sa dugo para sa hepatitis B na maaaring ipagawa ng iyong doktor o klinika ng kalusugan na tinatawag na “grupo ng pagsusuri ng dugo para sa hepatitis B”. Ang sampol ng dugo na ito ay maaaring kunin sa tanggapan ng iyong doktor.

May 3 karaniwang mga pagsusuri na bumubuo sa grupo ng pagsusuri sa dugo na ito. Minsan, maaaring suriin muli ng doktor ang iyong dugo anim na buwan pagkatapos ng iyong unang bisita upang kumpirmahin ang kalagayan ng iyong hepatitis B. Kung sa tingin mo ay kamakailan ka lang nahawa ng hepatitis B, maaaring abutin nang 9 na linggo bago matuklasan ang virus sa iyong dugo.
Maaaring nakakalitong unawain ang iyong mga resulta ng pagsusuri sa dugo para sa hepatitis B, kaya gusto mong siguruhin ang iyong dayagnosis – nahawa ka ba ng hepatitis B, gumaling ka ba mula sa hepatitis B na impeksyon, o mayroon ka bang talamak na hepatitis B na impeksyon?

Dagdag pa, makatutulong kung humingi ka ng nakasulat na kopya ng iyong mga pagsusuri sa dugo para lubos mong maunawaan kung aling mga pagsusuri ang positibo o negatibo.


Ano ang tatlong pagsusuri na bumubuo ng "grupo ng pagsusuri sa dugo para sa hepatitis B"?
Ang grupo ng pagsusuri sa dugo para sa hepatitis B ay nangangailangan lamang ng isang sampol ng dugo ngunit kasama rito ang tatlong mga pagsusuri na kinakailangan upang gumawa ng panghuling dayagnosis:

  • HBsAg (hepatitis B surface antigen) 
  • HBsAb o anti-HBs (hepatitis B surface antibody) 
  • HBcAb o anti-HBc (hepatitis B core antibody)


Ano ang hepatitis B surface antigen (HBsAg)?
Ang resultang "positibo" o “reaktibo” sa HBsAg na pagsusuri ay nangangahulugan na ang tao ay nahawa sa hepatitis B na virus, na maaaring "malubha" o "talamak" na impeksyon. Ang mga taong nahawahan ay maaaring maipasa ang virus sa iba sa pamamagitan ng kanilang dugo.

Ano ang hepatitis B surface antibody (HBsAb or anti-HBs)?
Ang resultang "positibo" o “reaktibo” HBsAb (o anti-HBs) na pagsusuri ay nagpapahiwatig na ang tao ay matagumpay na tumugon sa bakuna sa hepatitis B o gumaling mula sa malubhang impeksyon ng hepatitis B. Ang resultang ito (kasama ng negatibong resulta sa HbsAg) ay nangangahulugan na ikaw ay hindi tatablan ng (protektado mula sa) hepatitis B na impeksyon sa hinaharap.


Ano ang hepatitis B core antibody (HBcAb)?
Ang HBcAb ay isang antibody na bahagi ng virus - hindi ito nagbibigay ng proteksyon. Ang resultang "positibo" o "reaktibo" sa HBcAb (o anti-HBc) na pagsusuri ay nagpapahiwatig ng impeksyon sa nakaraan o kasalukuyan. Ang interpretasyon ng resulta ng pagsusuring ito ay nagdedepende sa mga resulta ng dalawang iba pang mga pagsusuri. Ang paglitaw nito kasama ng nagpoprotektang panlabas na antibody (positibong HBsAb o anti-HBs) ay nagpapahiwatig ng naunang impeksyon at paggaling. Para sa mga taong may talamak na impeksyon, lumilitaw ito kasama ng virus (positibong HBsAg).

Hepatitis B Blood Tests

Is there a blood test for hepatitis B?
There is a simple hepatitis B blood test that your doctor or health clinic can order called the “hepatitis B blood panel”. This blood sample can be taken in the doctor’s office.

There are 3 common tests that make up this blood panel. Sometimes the doctor may ask to check your blood again six months after your first visit to confirm your hepatitis B status. If you think you have been recently infected with hepatitis B, it can take up to 9 weeks before the virus will be detected in your blood.
Understanding your hepatitis B blood test results can be confusing, so you want to be sure about your diagnosis – are you infected with hepatitis B, have you recovered from a hepatitis B infection, or do you have a chronic hepatitis B infection?

In addition, it is helpful if you request a written copy of your blood tests so that you fully understand which tests are positive or negative.


What three tests make up the "hepatitis B blood panel"? 
The hepatitis B blood panel requires only one blood sample but includes three tests that are needed to make a final diagnosis:

HBsAg (hepatitis B surface antigen) 
HBsAb or anti-HBs (hepatitis B surface antibody) 
HBcAb or anti-HBc (hepatitis B core antibody)


What is the hepatitis B surface antigen (HBsAg)? 
A "positive" or “reactive” HBsAg test result means that the person is infected with the hepatitis B virus, which can be an "acute" or a "chronic" infection. Infected people can pass the virus on to others through their blood.


What is the hepatitis B surface antibody (HBsAb or anti-HBs)?
A "positive" or “reactive” HBsAb (or anti-HBs) test result indicates that a person has either successfully responded to the hepatitis B vaccine or has recovered from an acute hepatitis B infection. This result (along with a negative HbsAg result) means that you are immune to (protected from) a future hepatitis B infection.


What is the hepatitis B core antibody (HBcAb)?
The HBcAb is an antibody that is part of the virus- it does not provide protection. A "positive" or "reactive" HBcAb (or anti-HBc) test result indicates a past or present infection. The interpretation of this test result depends on the results of the other two tests. Its appearance with the protective surface antibody (positive HBsAb or anti-HBs) indicates prior infection and recovery. For chronically infected persons, it will usually appear with the virus (positive HBsAg).